Archive for October 14th, 2011

14
Oct
11

Kayamanan ng Bayang Pilipinas

Kayamanan ng Bayang Pilipinas

Sa likod ng mga problema ng Pilipinas ay isa ito sa mga lumalaking bansa sa buong mundo. Mas nakikilala ang bansa hindi dahil sa mga sikat na tiwali ng gobyerno nito, ngunit dahil sa ibang mga kayamanan na hawak ng bansa. Maaaring magmula ito sa mga lumalaking pangalan ng mga Pilipino, o sa mga nakikilalang lugar na matatagpuan lamang sa mga isla ng bansa. Tunay na marami ang kayamanan ng Pilipino, ito man ay mga anyo ng lugar o sa mga taong bumubuo sa higit pang 7,100 isla ng Pilipinas.

Ang isang bagay na ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas ay ang mga lugar na maaaring puntahan ng mga turista. Maraming mga magagandang yamang lupa ang makikita lamang sa Pilipinas, tulad ng Bulcang Mayon na matatagpuan sa Bicol, ang “Chocolate Hills” na makikita at maaakyat sa lugar ng Bohol, at ang Banawe Rice Terraces sa Banawe na kilala bilang 8th wonder ng buong mundo. Ang mga ito ay ilan lamang sa nakikilalang Seven Wonders of the Philippines, at siguradong mapapa-aliw ka sa ganda ng tanawin na ito. Sa laki ng bahagya ng bundok at puno na makikita sa Pilipinas ay tunay na nagbibigay ito aliw at saya sa mga mata ng mga turista, at pati na rin sa mga taong Pilipino.

Isang rin sa mga kayamanan ng bansa ang mga yamang tubig nito. Kailanman ay sikat sa lahat ang mga beach ng Pilipinas. Mapunta man sa mga isla ng Boracay, Samal, Puerto Gallera, Bohol at Palawan ay hinding-hindi ka malulungkot sapagkat maraming mga gawain na maaaring gawin dito. Sa simpleng paglakad sa buhangin ng beach o sa pagpa-party kasama ng mga Pilipino sa tabing dagat ay magbibigay ito ng ngiti sa inyong mga mata. Kasama rin sa yamang tubig ang Pagsanjan Falls at ang Hidden Valley Springs na matatagpuan sa paa ng Mt. Makiling.


Kasabay ng mga yaman lupa at tubig ay ang mga nakakaibang hayop at halaman na makikita lamang sa Pilipinas. Maraming mga iba’t ibang mga hayop at halaman ang makikita lamang sa bansa ngunit marami rin sa mga ito ay nakikilang endangered species dahil sa init ng panahon. Ang Pilipinas ay ang tirahan ng 9,000 na uri ng halaman, 165 na mammal at kung saan 121 lang sa mga ito ay matatagpuan sa lupa ng bansa. 332 na reptile at amphibian ang hinahawakan ng Pilipinas, at 215 sa mga ito ay natatanging makikita lamang sa Pilipinas. Mayroong 2, 117 na uri ng isda ang Pilipinas, at 500 sa 800 na coral reefs ay matatagpuan lamang sa mga yamang tubig ng Pilipinas. Ang Pilipinas din ay kilala sa pagkakaraon ng pinakamaraming bilang ng mga ibon at paru-paro. Ilan sa mga natatanging hayop ng bansa ay ang Tarsier at ang Philippine Eagle.



Maliban sa mga yamang lupa at tubig ng bansa ay lumalaki din ang pangalan ng bansang Pilipinas dahil sa mga sumisikat na talentadong Pilipino sa iba’t ibang mga paligsahan at palabas. Isa sa mga pangalang ito ay si Manny Pacquiao, isang boksingerong nagpakita ng tunay na galing at talino, at itinanim ang sariling pangalan bilang isa sa mga pinakamagaling na boksingerong tumayo sa mundo ng boksing. Sa kasalukuyan ay hinahawakan niya ang record ng pinakamaraming title weight championships sa walong magkakaibang dibisyon ng timbang. Kilala rin siya ngayon bilang ang pound-for-pound fighter sa mundo ng boksing. Ang ilan rin sa mga lumalaking pangalan ng isang Pilipino ay si Charice Pempengco, isang batang babae na sikat sa napakagandang boses kagaya nila Mariah Carey, Whitney Houston at iba pang sikat na artista sa mundo ng musika. Si Shamcey Supsup din ay nagbibigay parangal sa bansang Pilipinas nang nakuha niya ang pang-apat na gantimpala sa nakaraang Miss Universe 2011.


Kasama ng mga malalaking pangalan ito ay nakikilala ang Pilipinas dahil sa mga mababait at magagalang na mga Pilipino. Mayaman man o mahirap ay makikita sa bawat Pilipino ang mabuting ugali patungo sa kapwa, maging turista man sila o mga kapwang Pilipino. Isang mabuting halimbawa ng Pilipinong nagpapakita ng magandang ugali para sa kapwa ay si Efren Penaflorida, isang Pilipinong nabubuhay upang turuan ang mga mahihirap na bata ng lansangan, at dahil dito napanalunan niya ang CNN Hero Award. Kasama din nito say isang Pilipino na kinikilala sa pangalan na “Solar Demi”. Kahit hindi siya mayaman ay tinutulungan niya ang kanyang mga kapitbahay sa tondo sa pamamagitan ng paglagay ng mga “Solar bottled lights” sa kanilang mga tirahan. Nagawa na niyang tulungan ang higit pa sa 300 na pamilya, at kasabay nito ay tinutulungan niya ang kapaligiran dahil sa galing ng kanyang teknolohiya. Ipinapakita nito ang ugali ng mga Pilipino sa pagiging matulungin sa kapitbahay at sa kapwa, at ang pag-uuna sa iba sa halip na unahin ang sarili.

Lahat ng mga ito ay nagpapakita ng mga kayamanan na ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas. Kung ihahambing ang Pilipinas sa ibang bansa ay masasabing malayo pa ang ating mga kakayahan, ngunit sa galing at ganda ng bansa at ng Pilipino ay mabilis ang magiging pagunlad nito bilang isang malaking pangalan sa buong mundo.

Sources:
Sources: http://emievil.hubpages.com/hub/Natural-Wondersof-the-Philippines

http://www.google.com/imgres?q=philippine+flag&hl=en&gbv=2&tbm=isch&tbnid=nV7sNSOYTeMeEM:&imgrefurl=http://www.sxc.hu/photo/1034783&docid=fBiTpYRCrwLF_M&imgurl=http://www.sxc.hu/pic/m/s/sa/salingpusa/1034783_philippine_flag.jpg&w=300&h=300&ei=vquXTt2vPM-fiQeo0eyrAg&zoom=1&iact=hc&vpx=102&vpy=345&dur=890&hovh=225&hovw=225&tx=145&ty=131&sig=102614053367041544668&page=1&tbnh=151&tbnw=149&start=0&ndsp=14&ved=1t:429,r:5,s:0&biw=1035&bih=702

http://www.google.com/imgres?q=philippine+eagle&hl=en&gbv=2&tbm=isch&tbnid=yCamCbWQzFoW5M:&imgrefurl=http://wallpaper-birds.blogspot.com/2009/11/philippine-eagle.html&docid=O9OvkuXMsMDATM&imgurl=http://1.bp.blogspot.com/_Lo8n1_ejGIc/SxCPXomQRjI/AAAAAAAAMCE/B_xeWbXT9f0/s1600/phileagle007.jpg&w=337&h=450&ei=4auXTpWEEYeTiQfAnvCrAg&zoom=1&iact=hc&vpx=278&vpy=314&dur=3057&hovh=260&hovw=194&tx=109&ty=141&sig=102614053367041544668&page=1&tbnh=150&tbnw=104&start=0&ndsp=14&ved=1t:429,r:5,s:0&biw=1035&bih=702

http://www.google.com/imgres?q=philippine+eagle&hl=en&gbv=2&tbm=isch&tbnid=yCamCbWQzFoW5M:&imgrefurl=http://wallpaper-birds.blogspot.com/2009/11/philippine-eagle.html&docid=O9OvkuXMsMDATM&imgurl=http://1.bp.blogspot.com/_Lo8n1_ejGIc/SxCPXomQRjI/AAAAAAAAMCE/B_xeWbXT9f0/s1600/phileagle007.jpg&w=337&h=450&ei=4auXTpWEEYeTiQfAnvCrAg&zoom=1&iact=hc&vpx=278&vpy=314&dur=3057&hovh=260&hovw=194&tx=109&ty=141&sig=102614053367041544668&page=1&tbnh=150&tbnw=104&start=0&ndsp=14&ved=1t:429,r:5,s:0&biw=1035&bih=702

http://www.google.com/imgres?q=efren+penaflorida&hl=en&gbv=2&tbm=isch&tbnid=Hvj_vKxqX-ITzM:&imgrefurl=http://www.ellaganda.com/%3Fp%3D1777&docid=jFIWP2uEexSL_M&imgurl=http://ellarose2.files.wordpress.com/2009/11/efren-email-small.jpg&w=460&h=400&ei=I6yXTu73DeGUiQf_pvmrAg&zoom=1&iact=hc&vpx=286&vpy=381&dur=691&hovh=209&hovw=241&tx=127&ty=188&sig=102614053367041544668&page=1&tbnh=156&tbnw=179&start=0&ndsp=12&ved=1t:429,r:9,s:0&biw=1035&bih=702

http://www.google.com/imgres?q=banawe+rice+terraces&hl=en&gbv=2&tbm=isch&tbnid=BPQO05CCrKE3BM:&imgrefurl=http://www.flickr.com/photos/hitosisfoto/302331546/&docid=_WMcVs7BrSSD0M&imgurl=http://farm1.static.flickr.com/115/302331546_ff24789fb1.jpg&w=500&h=328&ei=RayXTtnFOoWRiQeFj5GsAg&zoom=1&iact=hc&vpx=495&vpy=167&dur=20144&hovh=182&hovw=277&tx=181&ty=64&sig=102614053367041544668&page=1&tbnh=126&tbnw=192&start=0&ndsp=12&ved=1t:429,r:2,s:0&biw=1035&bih=702

http://www.google.com/imgres?q=solar+demi&hl=en&gbv=2&tbm=isch&tbnid=mWdWPEbiCOyAVM:&imgrefurl=http://bensoncheng.wordpress.com/2011/09/09/one-liter-of-light/solar-demi/&docid=b_xBs9IVS0-2FM&imgurl=http://bensoncheng.files.wordpress.com/2011/09/solar-demi.jpg&w=470&h=259&ei=yKyXTpewONCSiQfXssGsAg&zoom=1&biw=1035&bih=702

http://www.google.com/imgres?q=boracay+beach&hl=en&gbv=2&tbm=isch&tbnid=ij9ZSiXUy1U89M:&imgrefurl=http://www.abeolandres.com/tag/beach&docid=2sUWKqPfhPHqwM&imgurl=http://abeolandres.com/wp-content/uploads/2007/12/boracay-beach.jpg&w=568&h=379&ei=C62XTrSqF4maiQe55aCsAg&zoom=1&iact=hc&vpx=700&vpy=407&dur=853&hovh=183&hovw=275&tx=107&ty=169&sig=102614053367041544668&page=1&tbnh=146&tbnw=193&start=0&ndsp=12&ved=1t:429,r:11,s:0&biw=1035&bih=702

http://www.txtmania.com/trivia/tourism.php




Calendar

October 2011
M T W T F S S
« Sep   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.