Archive for October, 2013

09
Oct
13

Canal De La Reina Kabanata 21-25

1. Anong kaugaliang Pilipino ang naipakita nina Leni at Geronimo sa pagtulong sa mga nasalanta? Nakikita pa ba ito ngayon?

– Sa mga naipakita nina Leni at Geronimo sa pagtulong sa mga nasalanta at ang mga naapektuhan ng bagyo ang kaugalian ng mga Pilipino na maging matulungin sa mga kapwa. Sa anumang oras ng panahon, o kaya’y kung ang nangangailangan man ay isang kapwa Pilipino o isang dayuhan, kilala ang mga Pilipino sa pagiging matulungin sa kaniyang mga kapwa tao, lalo na’t kapag ito’y na sa oras ng pangangailangan, katulad ng sitwasyong makikita sa pagbaha at pagbagyo sa Canal De La Reina. Makikita pa rin sa kasalukuyan ang mga Pilipinong natutulad kina Leni at Geronimo, na handang sumakripisyo para lamang tulungan at protektahin ang kanilang mga kapwa. Isa sa mga halimbawa dito ang mga indibiduwal na boluntaryong tumulong sa pagsulong at pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyong Ondoy. 

2. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita nang pagbalik ni Junior ng bayong kina Nyora Tentay? Nakikita pa ba ito ngayon?

– Ang kaugalian naman ng mga Pilipino na ipinakita ni Junior nang binalik niya ang bayong kay Nyora Tentay ay ang pagkakaroon ng moral na pag-iisip. Kung sinabing Pilipino ang isang tao, madalas na iisipin na siya’y matulungin, mabait sa kapwa, at may malaking puso. Kasabay sa mga ito ay iyon na ang mga Pilipino ay nabubuhay nang may moral na pag-iisip, na sila’y mulat sa kung ano ang mga dapat gawin at ang mga hindi dapat gawin. Alam nila ang mga tama at mali sa pangaraw-araw na gawain. Sa kasalukuyan ay makikita pa rin ito, ngunit minsan ay nakakalimutan na rin natin ang mga kailangang gawin sa mga iba’t ibang sitwasyon, lalo na’t kapag naroon ang tukso o kaya’y imbitasyon na unahin ang sariling interes. 

3. Ano ang mga naging desisyon ng mga tauhan? Ano kaya ang mga nakaapekto dito? (3)

– Ang pagkuha ni Ingga ng bayong ni Nyora Tentay at ang pagnais niyang huwag itong ibalik sa kanya. Ito’y dahil alam natin na may tinatanim na galit si Ingga laban kay Nyora Tentay, lalo na’t dahil sa pamaraan ng pagtatrato ni Nyora Tentay kay Ingga bilang isang kasambahay. Dahil dito, nakita ito ng pamilyang De Los Angeles nang lapitan sila ni Ingga, at sinabi nila na hindi ito tama.

– Ang pagsabi nina Caridad na mali ang ginawa ni Ingga, at ang pagbalik ni Junior ng bayong kay Victor. Ito’y dahil alam nila na kahit makakatulong ito sa kanilang kaso, lalo na’t wala nang panglaban na si Nyora Tentay sa kanila, alam nila na hindi ito tama dahil hindi ito sa kanila, at hindi ito makatarungan. 

– Ang pagtulong nina Leni at ni Geronimo, pati na rin ng pagiging general practitioner ni Leni. Ito’y dahil sa kanyang naranasan at nakita nang nagkaroon ng baha sa kanilang lugar. Sa napakaraming mga taong nangangailangan ng tulong, naisipan ni Leni na maging general practitioner na lamang upang mas makatulong pa siya sa mas marami.

4. Anong aral ang mapupulot sa limang kabanata? (1 per kabanata)

– Unahin ang pagtulong sa ating mga kapwa, lalo na’t kapag sila’y nangangailangan, kahit sila man ay ang ating mga kalaban/kaaway dahil mas nangingibabaw ang halaga ng buhay at ng pakikipagkapwa-tao

– Ang buhay ay parang isang gulong

– Huwag nating abusuhin kapag tayo’y namumuhay nang nasa taas at may kayamanan, dahil sa oras na tayo’y bumaba sa ating kinalalagyan ay maiiwan tayong malungkot at mag-isa

– Huwag ikabit ang sariling prinsipyo at pamumuhay sa ating mga kayamanan dahil hindi ito mananatili sa atin habang buhay

– Matutong mamuhay nang may mabuting prinsipiyo at moral na pag-iisip




Calendar

October 2013
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031